Mahalagang papel na ginagampanan ng mga mamamahayag, kinilala ng PRRD sa pagdiriwang ng World Press Freedom Day
Kinilala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malayang pamamahayag sa isang bansa.
Ito ang laman ng mensahe ng Pangulo sa pagdiriwang ng World Press Freedom Day.
Sinabi ng Pangulo na mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga mamamahayag para maiparating sa publiko ang tamang inpormasyon sa lahat ng pagkakataon at sitwasyon.
Umapila ang Pangulo sa Mass Media na maging patas sa para sa kapakanan ng lahat lalo na ngayong panahon ng mga makabagong sistema ng komunikasyon.
Tiniyak din ng Pangulo na patuloy na itataguyod ng kanyang administrasyon ang pagsuporta sa malayang pamamahayag.
Naniniwala ang Pangulo na ang pagkakaroon ng malayang pamamahayag ay indikasyon ng malusog na demokrasya na magdadala ng ibayong pag-unlad.
Vic Somintac