Maharlika Investment Fund bubusisiing mabuti ng Senado
Pag aaralan ng Senado ang panukalang Maharlika Investment Fund matapos itong sertipikahang urgent ni Pangulong Bongbong Marcos.
Ayon kay Senate Majority Leader Joel Villanueva, aalamin nila ang mga detalye ng ipinasang panukala ng Kamara ngayong naka break ang sesyon ng Senado.
Sinusuportahan ng Senador ang ideya para sa pagtatatag ng isang Sovereign Investment Fund pero kailangan pa itong busisiing mabuti ng Senado.
Kailangan aniyang matukoy at malinaw ang investment objectives at mga estratehiya para sa naturang pondo para masiguro na para ito sa ikabubuti ng mga pilipino.
Nauna nang pinagtibay sa ikatlo at huling pagbasa ng kamara ang Maharlika Investment Fund Bill sa huling sesyon ngayong linggo.
Meanne Corvera