Mahigit 1.3 milyong indibidwal sa Maynila, fully vaccinated na kontra Covid-19
Umabot na sa 101% ng itinakdang populasyon ng Department of Health na target mabakunahan kontra COVID- 19 sa Maynila ang fully vaccinated na.
Sa datos ng Manila LGU, nasa mahigit 1.3 milyon na ang fully sa lungsod habang 1.5 milyon naman ang nabigyan na ng 1st dose ng bakuna.
Sa kabuuan, nasa mahigit 2.8 milyong doses na ng bakuna ang naiturok sa lungsod.
Ayon sa Manila LGU, nasa mahigit 142 libo namang menor de edad ang nabakunahan na kontra COVID-19.
Ang mahigit 103 libo rito ay nabigyan ng 1st dose ng bakuna habang mahigit 38 libo naman ang nabigyan ng 2nd dose.
Nasa mahigit 50 libo naman ang nabigyan na ng booster shot.
Ngayong araw tuloy parin ang malawakang bakunahan kontra COVID-19 sa Maynila.
Ayon sa Manila LGU, pwede ang walk in at tumatanggap sila residente man o hindi ng lungsod.
Madz Moratillo