Mahigit 1 Bilyong buwis sa isda at imported seafoods, nawawala sa Gobyerno dahil sa iregularidad sa importasyon
Bukod sa nawawalang buwis sa mga imported na karneng baboy at mga poultry products, bilyun-bilyong piso rin ang nalulugi sa Gobyerno dahil sa iregularidad sa importasyon ng isda at seafood products.
Ayon kay Senador Panfilo Lacson, ito’y kung pagbabatayan ang records ng World Trade Organization (WTO) at Philippine Statistics Authority (PSA) sa inaangkat na mga isda at seafoods.
Sinabi ni Lacson na kailangang magpaliwanag ang Department of Agriculture dahil sa dami ng mga datos ng misdeclaration at underdeclaration mula noong 2015 hanggang 2020 na maituturing na outright smuggling.
Kung susumahin ayon sa Senador, aabot rin sa 1.058 billion ang nawala sa Gobyerno mula 2015 sa buwis na makokolekta sana sa mga inimport na isda at iba pang imported seafoods.
Nauna nang ibinunyag ni Lacson na aabot sa 5 hanggang 7 piso kada kilo ang ipinapatong ng ilang tiwaling opisyal ng gobyerno sa ini-import na karneng baboy habang nais pang ibaba ang ipinapataw na buwis na malaki ng kalugihan sa pamahalaan.
Habang patuloy aniyang nalulugi ang Gobyerno, patuloy naman ang paglobo ng bulsa at bank accounts ng ilang mga importers at kasabwat na opisyal ng gobyerno.
Statement Sen. Lacson:
“While the Government loses billions of pesos in potential revenues, the pockets and bank accounts of some importers and corrupt officials continue to grow bigger. Some importers would declare the non-MDM chicken products as MDM to avail of the five-percent tariff, which is much lower than the 30 percent for in-quota importation and 35 percent for out-quota importation of non-MDM products”.
Meanne Corvera