Mahigit 1 milyong Filipino fully vaccinated na kontra COVID- 19
Umabot na sa mahigit 1 milyon katao dito sa bansa ang fully vaccinated na o kapwa nakatanggap ng una at pangalawang dose ng COVID-19 vaccine.
Ayon kay Health Usec Myrna Cabotaje, nasa mahigit 3.4 milyon naman ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna.
Sa kabuuan ayon kay Cabotaje nasa halos 4.5 milyong dose ng bakuna na ang naiturok dito sa bansa.
Sinabi ni Cabotaje na sa mga nakalistang Health workers sa bansa, 85% na ang nabakunahan.
Pero aminado si Cabotaje na karamihan dito o 97% ng mga nabakunahang health workers ay nasa National Capital Region.
Kaya tinututukan rin aniya nila ngayon ang iba pang rehiyon sa bansa.
Nananatili namang mababa parin ang bilang ng mga senior citizen na nabakunahan.
Ayon kay Cabotaje sa mga nakalistang senior citizen ay nasa mahigit 1.1 milyon o 12% pa lamang ang nabakunahan kontra COVID-19.
Madz Moratillo