Mahigit 100 bote ng liquid marijuana, nasabat ng BOC sa Pasay city
Nasa kabuuang 116 mga bote ng liquid marijuana ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa Pasay City.
Ayon sa BOC, naharang ang mga iligal na droga sa Central Mail Exchange Center na nakadeklara bilang mga “dietary supplement” na may iba’t-ibang consignees.
Ang mga nasabat na iligal na droga ay nai-turn-over na sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa masusing imbestigasyon.
Kabilang sa mga kasong kahaharapin ng mga responsable ay ang paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act na may kauganay sa Section 118 o Prohibited Importation; Section 1113 o Goods Liable for Seizure and Forfeiture at 1401 o Unlawful Importation ng Republic Act 10863 na kilala rin bilang Customs Modernization and Tariff Act.