Mahigit 100 hostages hawak pa ng Maute group
Kinumpirma ng militar ang halos isandaang (100) hostages pa ang hawak ng Maute group sa Marawi City.
Ayon kay Joint Task Force Marawi Spokesman Lt. Col Jo-Ar Herrera, ang bilang ng hostages ay ipinabatid sa kanila ng labing tatlong (13) sibilyan na una nang na-rescue kahapon mula sa kamay ng Maute group.
Sinabi pa ni Herrera na apat na barangay pa rin ang hawak ng Maute group dahil pahirapan ang clearing operations ng militar sa bawat bahay lalo sa mga itinanim na Improvised Explosive Device o IED.
Tiniyak ni Herrera na tuloy ang operasyon nila kahit pa sa pagtatapos ng Ramadan o Eid l’fitr sa June 26 at wala aniya silang itinakdang deadline para tapusin ang krisis.