Mahigit 100 libong pisong halaga ng ilegal na droga, nakumpiska sa Bataan
Mahigit 100 Libong pisong halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska ng mga otoridad sa mula sa isang magnobyo, matapos ang Ikinasang buybust operation Pilar, Bataan.
Batay sa ulat ni Pol. Maj. Emerson Coballes Chief of Police ng Pilar PNP kay Bataan Pol. Dir. Col. Joel Tampis, nakilala ang magnobyo na sina Jonathan Delcozar at Marisol Montero, kapwa residente ng nasabing bayan.
Ayon sa PNP, dalawang suspek ay sumailalim sa surveillance at ng masiguro ng mga otoridad ay saka ikinasa ng pinagsanib na puwersa ng PNP Pilar at PPDEU ang buybust, na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawa.
Nakumpiska sa mga ito ang 15.66 grams ng hinihinalang shabu na may street value na 102,000 piso.
Sa record ng PNP, dati nang nakulong si Delcozar sa Orion sa kaparehong kaso, at target din ito ng PDEA Region 3.
Pinuri at kinilala naman ni Col. Tampis si Maj. Coballes at mga tauhan nito, sa pagkakahuli sa mga suspek.
Larry Biscocho