Mahigit 100% ng target mabakunahan kontra COVID-19 sa adult population sa Maynila partially vaccinated na
Umabot na sa mahigit 100% ng target mabakunahan kontra Covid-19 sa adult population sa Maynila ang naturukan na ng unang dose ng bakuna.
Sa datos ng Manila LGU, nasa mahigit 1.3 milyong indibiwal na sa Lungsod ang partially vaccinated na.
Habang ang 95.59% naman o mahigit 1.2 milyon naman fully vaccinated na.
Sa ngayon, nasa 452 nalang ang aktibong kaso ng Covid-19 sa Maynila.
Sa 6 na District Hospitals sa Maynila, bumaba na rin sa 24% ang occupancy rate ng kanilang Covid-19 beds.
Habang ang occupancy rate naman ng Manila Covid-19 Field Hospital nasa 22% nalang.
Wala namang nag-ookupa sa kanilang Covid-19 positive quarantine facility.
Madz Moratillo