Mahigit 100 OFWs, nakauwi kagabi sa bansa mula sa Kuwait


Panibagong batch ng Overseas Filipino Workers (ofws) mula sa Kuwait ang nakauwi na sa bansa.

Sakay ng Qatar airways flight QC- 934 ang 109 na OFWs nang lumapag ito sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA kagabi.

Ayon kay DFA office of Public Diplomacy Executive Director Charmaine Aviquivil, target ng kagawaran na makapagpauwi ng 10,000 OFWs mula Kuwait hanggang April 22.

Ang naturang petsa aniya ang deadline ng extension ng amnesty program ng Kuwaiti government.

Samantala, ayon kay Aviquivil na umaabot na sa mahigit 4,000 OFWs ang naiuuwi sa bansa kabilang na ang panibagong batch kagabi.

Ang repatriation ng mga Pinoy worker sa nasabing bansa ay bunsod pa rin ng deployment ban na ipinatupad matapos ang mga ulat ng pang-aabuso sa pinoy workers partikular sa kinahinatnan ng pinay na si Joanna Demafelis.

 

=================

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *