Mahigit 100 sex offenders , naharang ng Bureau of Immigration sa mga paliparan noong 2018

 

Kabuuang 145 dayuhang sex offenders mula sa kanilang bansa ang hinarang sa mga paliparan ng Bureau of Immigration (BI) sa nakalipas na 11 buwan ng 2018.

Sinabi ni BI Port Operations division Chief Grifton Medina, mas mababa ang bilang na ito ng mga hinarang na registered sex offenders o RSOS mula Enero hanggang Nobyembre kumpara sa 165 sex convicts na na-intercept sa airport sa kaparehong panahon noong 2017.

Ang mga RSO ay ang mga convicted sex offender na nakapagsilbi na ng kanilang sentensya o kaya naman ay under probation o parole.

Ayon sa opisyal, ang mga hinarang na rsos sa mga airport ay agad ding isinakay sa first available flight pabalik sa kanilang pinanggalingang bansa.

Alinsunod sa immigration laws ng bansa, hindi pinapayagang makapasok sa bansa ang mga banyagang convicted sa mga sex crimes at may kaugnayan sa moral turpitude.

Inihayag pa ni Immigration Commissioner Jaime Morente na isang seryosong banta sa mga pinoy lalo na sa mga bata at kababaihan ang mga dayuhang gaya ng mga ito kaya mahigpit ang pagbabantay nila sa mga paliparan.

 

Ulat ni Moira Encina

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *