Mahigit 100 trabaho, alok ng Japan para sa mga dayuhang manggagawa
Mahigit isandaang (100) trabaho ang iniaalok ng Japan para sa mga dayuhang manggagawa lalu na sa mga Filipino.
Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration o POEA, ang magandang balita ay ipinarating sa kanila ng Ministry of Health and Labor sa Japan at bukas ang kanilang bansa sa mga Skilled at semi-Skilled workers sa ilalim ng technical training program.
Bagamat wala pang ipinalalabas na Job Order, bumubuo na ang POEA ng Memorandum of Understanding sa pagitan ng Pilipinas at ng Japan para sa nasabing programa.
Hinihikayat ang mga Pinoy na bisitahin ang website ng POEA para sa mga kaukulang impormasyon.