Mahigit 100 walang galang at bastos na dayuhan, hinarang ng BI noong 2018

Umaabot sa 133 walang galang na mga dayuhan ang pinigil ng Bureau of Immigration (BI) na makapasok sa bansa noong nakaraang taon.

Sinabi ni BI Port Operations Division Chief Grifton Medina na hinarang ang mga banyaga dahil sa pagiging bastos sa mga immigration officers.

Mas mataas ang nasabing bilang kumpara sa 129 na hindi pinapasok sa bansa noong 2017.

Batay anya sa statistics, ang mga Chinese nationals ang pangunahin sa hindi pinayagan na makapasok sa  bansa dahil sa pagiging bastos na umabot sa 37, sumunod ang mga Amerikano na 25 at mga Koreano na 23.

Pinayuhan ni Medina ang mga dayuhan na bumibisita sa bansa na iwasang gumamit ng bastos na pananalita kapag nakikipagusap sa mga immigration officers.

Paalala pa ng opisyal, ang pagpasok at pananatili ng mga banyaga sa bansa ay isa lamang pribilehiyo at hindi karapatan.

Binigyang -diin pa ng BI na ang mga dayuhan ay hindi pinapayagan na abusuhin at bastusin sa pananalita ang mga immigration officers.

Inilagay na ng BI sa blacklist ang mga nasabing banyaga kaya hindi na maaring makabalik ng Pilipinas.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *