Mahigit 1,000 bagong kaso ng COVID-19 naitala sa CALABARZON
Tumaas muli ang aktibong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON.
Sa pinakahuling tala ng DOH Center for Health Development- CALABARZON, nadagdagan ng 1,307 bagong kaso ng virus ang rehiyon.
Nakapagtala naman ng 776 bagong gumaling na pasyente habang may 33 na pumanaw.
Dahil dito, umaabot na sa 16,599 ang aktibong kaso ng sakit sa Region IV-A.
Sa kabuuan ay 172,359 ang kumpirmadong nahawahan ng COVID sa rehiyon mula noong nakaraang taon.
Nasa 150,700 naman ang kabuuang nakarekober mula sa sakit.
Ang Cavite ay may pinakamaraming active cases na nasa 4,900 at sumunod ang Laguna na nasa 4,300.
Moira Encina
Please follow and like us: