Mahigit 1,000 katao, naserbisyuhan ng One-stop shop service center ng EBC
Umaabot sa mahigit 1,000 katao ang nabigyan ng tulong ng Eagle Broadcasting Corporation sa inilunsad na One Stop Shop Service center.
Ayon kay Bb. Laila Tumanan, station manager ng Radyo Agila,- DZEC, layon ng programang EBC cares, Paglilingkod sa Bayan, Serbisyo sa Mamamayan na mabigyan ng tulong ang ating mga kababayan.
Ito’y para sa mas mabilis na pagkuha ng mga requirements katuwang ang ibat-ibang ahensya ng gobyerno.
Partikular na nabigyan ng serbisyo ang mga Persons with Disabilities at mga Senior citizens.
Nagsapalamat naman ang EBC sa mabilis na pagtugon ng mga ahensya ng gobyerno at nabigyan ng serbisyo ang mga mamamayan.
Kabilang na rito ang Philippine Statistics Authority (PSA), Pag-Ibig, National Bureau of Investigation (NBI) at ng Philhealth.
Ulat ni Meanne Corvera