Mahigit 1000 pasahero stranded sa mga pantalan sa Visayas at Mindanao dahil sa bagyong Usman
Umaabot sa mahigit 1000 pasahero ang istranded sa mga pantalan sa Visayas at Mindanao dahil sa bagyong Usman.
Sa pinakahuling monitoring ng Philippine Coast Guard, kabuuang 1,287 pasahero sa mga pantalan sa Eastern Visayas at Northern Mindanao ang naantala ang byahe dahil sa bagyo.
Siyamnaraan at tatlumput- dalawa sa mga ito ay stranded sa mga pier sa Eastern Visayas habang 355 ay sa Port of Dinagat sa Northern Mindanao.
Hindi rin nakabyahe dahil sa bagyong Usman ang 87 rolling cargoes, 11 barko at 5 motorbanca.
Ulat ni Moira Encina
Please follow and like us: