Mahigit 1,000 tauhan ng Bureau of Immigration ang nabakunahan na kontra COVID-19
Umabot na sa mahigit 1,000 tauhan ng Bureau of Immigration ang nabakunahan na kontra COVID-19.
Ayon sa BI, sa nasabing bilang ay 700 na ang fully vaccinated o nakatanggap na kapwa ng una at pangalawang dose ng bakuna.
Sa ngayon ay may 700 hanggang 800 pang tauhan umano nila na nakatalaga sa mga paliparan at mga tanggapan sa Metro Manila ang naghihintay na mabakunahan.
Habang para naman sa mga nasa field offices at sub ports sa labas ng Metro Manila ay inatasang makipag coordinate sa kani kanilang LGU.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ngayong mas maraming tauhan na nila ang nabakunahan ay mas tumaas ang kanilang confidence na protektado sila laban sa virus lalo na at kasama sila sa frontline service ng gobyerno.
Madz Moratillo