Mahigit 100,000 bagong registered voters sa bansa naitala ng Comelec
May 137,363 bagong rehistradong botante sa bansa.
Ito ay ilang araw matapos muling buksan ng Commission on Elections ang voter registration nitong Hulyo 4.
Sa datos mula kay Comelec spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, para sa mga nasa edad 15 hanggang 17 anyos, may 77,508 ang nagparehistro; sa 18 hanggang 30 anyos naman ay 50,113 at 9,742 naman sa edad 31 anyos pataas.
Habang may 65,464 naman ang naghain ng application para sa transfer, reactivation, at correction.
Ang voter registration ay tatagal hanggang sa Hulyo 23.
Sa datos ng Comelec may 66 milyon ang inaasahang magiging botante para sa Barangay elections at mahigit 23 milyon naman para sa Sangguniang Kabataan.
Madelyn Villar – Moratillo