Mahigit 120 milyong piso inilaan ng DOLE para sa mga manggagawang naaapektuhan ng lindol sa Northern Luzon
Aabot sa 128 milyong piso ang inilabas na pondo ng Department of Labor and Employment para matulungan ang mga manggagawa sa Northern Luzon na naapektuhan ng malakas na lindol.
Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, aabot sa mahigit 16 na libong biktima ng lindol ang natulungan na ng kagawaran.
Ang mahigit 57 milyong piso mula sa nasabing pondo ay ginamit para sa Tulong Panghanapbuhay sa mga Disadvantaged / Distressed Workers o TUPAD.
Ang TUPAD ay ang cash for work program na ginamit din ng DOLE para sa disaster response.
Ang iba pang pondo ay napunta naman sa iba pang programa.
Tiniyak naman ni Laguesma ang patuloy na monitoring na kanilang ginagawa sa Hilagang Luzon partikular sa mga labis na naapektuhan ng lindol.
Madelyn Villar – Moratillo