Mahigit 1,200 PDLs nakalaya mula nang magsimula ang Marcos Gov’t
Kabuuang 1,211 bilanggo ang nakalaya mula nang manungkulan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito ay batay sa tala ng Department of Justice (DOJ) at Bureau of Corrections (BuCor) mula July 1, 2022 hanggang August 31, 2022.
Mula sa nasabing bilang, 585 persons deprived of liberty (PDLs) ay nakalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Umaabot naman sa 408 preso ang nabigyan ng parole at 194 ang napawalang-sala ng korte.
May 23 PDLs naman ang nagawaran ng probation at isang preso ang nakapaglagak ng cash bond.
Moira Encina
Please follow and like us: