Mahigit 12K doses ng COVID-19 vaccine inilaan para sa unang araw ng 2nd round ng Bayanihan bakunahan sa Maynila
Aabot sa mahigit 12 libong doses ng COVID-19 vaccine ang inilaan ng lokal na pamahalaan ng Maynila para sa unang araw ng 2nd round ng Bayanihan Bakunahan.
Sa abiso ng Manila LGU, may 1st at 2nd dose vaccination para sa A1 hanggang A5 priority groups sa 45 Health Centers sa lungsod, 6 LGU na Hospitals, 4 Mall sites at 12 community sites.
Para naman sa mga menor de edad, may 1st at 2nd dose vaccination at booster shot vaccination para sa A1 hanggang A5 rin sa 6 LGU hospitals sa lungsod, 4 mall sites at 12 community sites.
Bukas ang mga site na ito residente man o hindi ng Maynila at pwede rin ang walk in.
Paalala naman sa mga magulang ng babakunahang menor de edad 1 companion lang ang pwedeng sumama sa mga ito.
Madz Moratillo