Mahigit 12K residente ng Biñan City, Laguna, fully-vaccinated na laban sa COVID-19
Lagpas 12,000 residente ng Biñan City, Laguna ang nakakumpleto ng dalawang dose ng bakuna kontra COVID-19.
Sa pinakahuling tala ng Biñan City Health Office, kabuuang 12,236 indibidwal na ang fully-vaccinated sa lungsod.
Umaabot naman sa 30,189 ang nabakunahan ng unang dose.
Sa kabuuan ay 51,594 dose ng bakuna ang nailaan na sa Biñan City LGU.
Kabilang sa mga brand ng bakuna na natanggap ng lungsod mula sa nasyonal na pamahalaan ay CoronaVac (29,474), AstraZeneca (12,460), Pfizer (9,360), at Sputnik V (300).
May siyam na vaccination sites sa Biñan City kasama ang drive-thru vaccination hub sa isang mall.
Ayon pa sa datos ng city health office, mahigit 143,000 katao na ang nagparehistro para sa COVID vaccination sa Biñan.
Moira Encina