Mahigit 13 milyong doses ng Covid-19 vaccine, naiturok sa bansa
Umabot na sa mahigit 13.1 milyong doses ng Covid 19 vaccine ang naiturok sa bansa.
Ayon sa Department of Health, sa bilang na ito mahigit 9.6 milyon ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna habang mahigit 3.5 milyon naman ang fully vaccinated na.
Sa mga A1 o medical frontliners nasa mahigit 1.7 milyon na ang nakatanggap ng unang dose ng Covid-19 vaccine habang mahigit 1.2 milyon naman rito ang fully vaccinated na.
Sa A2 o senior citizens, mahigit 2.6 milyon na ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna habang mahigit 915,000 naman ang fully vaccinated na.
Sa A3 o persons with commorbidities, mahigit 3.2 milyon na ang nabigyan ng 1st dose habang mahigit 1.1 milyon na ang fully vaccinated.
Sa A4 o economic workers, mahigit 1.6 milyon na ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna, mahigit 191,000 naman ang fully vaccinated.
Sa A5 o indigent population naman mahigit 307,000 na ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna habang mahigit 69,000 naman ang fully vaccinated.
Madz Moratillo