Mahigit 130,000 doses ng Astrazeneca at J&J Covid-19 vaccine, dumating na sa Eastern Visayas
Dumating na sa Tacloban airport ang nasa 131,200 doses ng Johnson and Johnson single-dose Covid-19 vaccine at 8,300 Astrazeneca vaccines para sa vaccination rollout ng mga residente.
Ito ang unang shipment ng rehiyon sa US made Janssen vaccines na bahagi ng donasyon ng Amerika sa Pilipinas sa pamamagitan ng Covax facility.
Ayon kay DOH Eastern Visayas regional information officer Jelyn Lopez-Malibago, lahat ng lalawigan at siyudad sa rehiyon ay mababahaginan ng bakuna ng Johnson and Johnson.
Prayoridad dito ang mga natitira pang health workers na hindi pa nababakunahan, mga Senior Citizen at people with Comorbidities.
Inilagay ang mga bakuna sa regional cold chain facility ng DOH.
Sa datos ng DOH hanggang nitong July 16, nasa kabuuang 376,407 doses ng Covid-19 vaccine ang naipamahagi na sa mga mamamayan ng Eastern Visayas.