Mahigit 1,400 bagong kaso ng COVID-19, naitala sa CALABARZON
Umabot na sa mahigit 91,600 ang kumpirmadong nahawahan ng COVID-19 sa CALABARZON.
Ito ay makaraang madagdagan ng 1,453 bagong kaso ng COVID ang Region IV-A sa ikalawang araw ng muling pagpapatupad ng ECQ sa Greater Manila area.
Ayon sa datos ng DOH Center for Health Development- CALABARZON, umakyat ang aktibong kaso ng virus sa rehiyon sa 11, 511.
Pero, may bagong gumaling na 543 pasyente kaya nasa mahigit 77,600 na ang COVID recoveries sa rehiyon.
Nakapagtala naman ng 23 bagong pumanaw kaya umakyat ito sa 2,501.
Ang Cavite, Rizal, at Laguna na kasama sa inilagay sa ECQ ay ang nananatiling may pinakamataas na active cases sa Region IV-A.
Aabot na sa halos 4,000 ang aktibong COVID cases sa Cavite; 2,799 naman sa Rizal; at 2,153 sa Laguna.
Moira Encina