Mahigit 15 milyong indibiwal sa bansa fully vaccinated na kontra COVID-19
Umabot na sa mahigit 15 milyong indibiwal sa bansa ang fully vaccinated na kontra Covid-19.
Sa datos mula sa Department of Health, may mahigit 20.8 milyong indibiwal naman ang nakatanggap na ng unang dose ng bakuna.
Sa kabuuan, may mahigit 35.8 milyong doses ng Covid 19 vaccine na ang naiturok sa bansa.
Sa A1 priority group na kinabibilangan ng mga medical frontliner at expanded population, may mahigit 2 milyon na ang fully vaccinated.
Sa A2 o senior citizens naman mahigit 4 na milyon na ang fully vaccinated.
Habang sa A3 naman o persons with commorbidities, may mahigit 5.2 milyon na ang fully vaccinated.
Sa A4 o essential workers, may mahigit 3 milyon na ang fully vaccinated.
Habang sa A5 o indigent population naman may mahigit 635 libo na ang fully vaccinated.
Madz Moratillo