Mahigit 1,500 PDLs sa Minimum Security Compound sa Bilibid, binakunahan laban sa COVID-19
Muling itinuloy ang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa mga persons deprived of liberty (PDLs) sa New Bilibid Prison.
Ayon sa Bureau of Corrections, mahigit 1,500 PDLs sa Minimum Security Compound sa NBP ang tumanggap ng una at ikalawang dose ng anti- COVID vaccines.
Sa nasabing bilang, 1,372 inmates ang tinurukan ng second dose o fully vaccinated na habang 182 ang tinurukan ng unang dose.
Binakunahan din ng ikalawang dose ang siyam na tauhan ng NBP habang limang personnel ay unang dose.
Ang COVID vaccination ay pinangasiwaan ng mga kinatawan mula sa DOH.
Pinasalamatan ng BuCor ang lokal na pamahalaan ng Muntinlupa City at ang DOH para makamit ang nais nito na maprotektahan laban sa COVID ang mga PDLs.
Nasa 28,000 ang prison population sa NBP batay sa datos mula sa BuCor.
Moira Encina