Mahigit 15,000 COVID-19 cases, naitala ngayong April 2
Nakapagtala ang Department of Health ng 15,310 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong April 2, 2021.
Ito na ang pinakamataas na daily record na iniulat ng Department of Health mula ng magsimula ang pandemya.
Pero ayon sa DOH, sa bagong kasong ito, 3,709 ang resulta ng case backlog dahil sa nangyaring technical issue sa COVID-19.
Ayon sa DOH, ang 3,709 covid cases na ito ay dapat na kabilang sa March 31 daily report ng COVID-19 cases.
“We have encountered some issues in uploading cases in the system last March 31. We have resolved this issue – and we no longer have backlogs. However, with this, around 3.7K cases that were supposed to be reported last Mar 31 will just be reported today as part of the total cases”, pahayag ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire.
Dahil rito, pumalo na sa 771, 497 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases na naitala sa bansa.
Sa bilang na ito, 153,809 ang aktibong kaso.
Mayroon namang 434 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.
Dahil dito, umabot na sa 604,368 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.
17 naman ang bagong nasawi dahil sa virus.
Sa ngayon umabot na sa 13,320 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.
Madelyn Villar Moratillo