Mahigit 15,000 NCRPO personnel, itatalaga sa araw ng halalan
Tuluy-tuloy ang paghahandang ginagawa ng National Capital Regional police office (NCRPO) sa nalalapit na halalan.
Ayon kay NCRPO Chief Guillermo Eleazar, kamakailan ay nagsagawa ng joint security control center meeting na pinangunahan ng Comelec at kalahok ang AFP at PNP.
Kasama rin sa pulong ang mga Election supervisors ng buong Metro Manila, lahat ng mga hepe ng PNP at Joint task force ng AFP.
Ito ay upang maayos na maipatupad ang mga planong kanilang gagawin sa araw ng eleksyon.
“More than 15,000 NCRPO personnel will be deployed. It will be augmented by the joint task force in NCR at iba pang ahensya natin. So, naka-full alert tayo dyan at sisiguruhin naming nakatutok tayo upang maging maayos at credible ang ating halalan”.- NCRPO Chief Guillermo Eleazar