Mahigit 16,000 mga estudyante, apektado sa pag-aalburuto ng Bulkang Mayon
Aabot sa mahigit 16,000 mga mag-aaral ang direktang naapektuhan ng pag-aalburuto ng Mount Mayon sa Albay.
Sa panayam ng DZEC Radyo Agila kay Department of Education Region 5 Director Ramon Abcede, ang nasabing bilang ay doon lamang sa area na sakop ng 6 to 7 kilometers permanent danger zone.
Labimpitong paaralan aniya ang hindi magamit sa loob ng nasabing perimeter range at nasa 33 mga paaralan naman sa Albay ang ginawang evacuation centers.
Nasa 445 classrooms ang ginamit kung saan 8,583 na pamilya o katumbas ng 33,064 indibidwal ang kasalukuyang umookupa sa bawat silid-aralan.
Sa kabila ng ganitong kalagayan, tiniyak naman ni Director Abcede na inaasahang magre-resume na ang klase sa Lunes matapos kumalma na ang Bulkang Mayon.
=== end ===