Mahigit 170,000 na residente sa Maynila,nabakunahan na kontra COVID-19

Umabot na sa 170,761 residente sa Maynila ang nabakunahan na kontra COVID 19.

Courtesy of Manila PIO

Batay sa datos ng Manila LGU, sa nasabing bilang ay 67,794 na ang fully vaccinated o nakatanggap na kapwa ng una at pangalawang dose ng bakuna.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, dinagdagan na rin nila ang binibiling COVID 19 vaccine para makatulong sa programa ng national government at mas marami pa ang mabakunahan.

Ngayong araw, muli namang magsasagawa ng vaccination program sa lungsod.

Pero ito ay para sa second dose ng AstraZeneca vaccine sa mga nasa A1 hanggang A3 o mga medical frontliner, senior citizen at person with commorbidity na nakatanggap ng unang dose ng bakuna noong March 30.

May second dose vaccination rin para naman sa mga health worker na nakatanggap ng unang dose ng Sputnik V noong May 4.

Muli rin umanong magsasagawa ang Manila LGU ng first dose vaccination para sa mga residente na bed ridden.

Patuloy naman ang paalala sa mga residente na magpapre register muna sa manilacovid19vaccine.ph para sa mas mabilis na proseso pagdating sa vaccination site.

Madz Moratillo

Please follow and like us: