Mahigit 194 million pesos na utang sa buwis hinahabol ng BIR sa dalawang corporate taxpayer sa Makati City

Dalawang corporate taxpayers mula sa lungsod ng Makati ang ipinagharap ng BIR ng reklamong tax evasion sa DOJ dahil sa mahigit 194 million pesos na hindi nabayarang buwis.

Paglabag sa Section 255 ng National Internal Revenue Code of 1997 ang inihain ng BIR laban sa Philab Industries Incorporated at sa Philand Property Corporation.

Kasama sa kinasuhan ang mga opisyal ng Philab na sina Hector Thomas Navasero, President at CEO; Sylvia Navasero, Executive Vice-President; at mga Vice-President ng kumpanya na sina Marc De Mesa at Jacinto Selorio Jr.

Gayundin ang mga opisyal ng Philand na sina  Carlito Castrillo, President; Jose Paulo Castrillo, Vice-President; Ma. Virginia Escalona, Treasurer at Yoshihiro Iwasaki, Vice-Chairman.

Ayon sa BIR, ang Philab na nasa manufacturing, selling at import ng mga medical, scientific at educational equipment ay may utang sa buwis noong 2013 na aabot sa 106.32 million pesos.

Kabuuang 87.99 million pesos naman ang bigong mabayarang buwis ng Philand Property noong 2009.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *