Mahigit 2.6 milyong doses ng COVID-19 vaccine naiturok na sa Maynila
Umabot na sa mahigit 1.29 milyong indibidwal sa Maynila ang fully vaccinated na kontra COVID-19.
Sa datos ng Manila LGU, nasa mahigit 1.43 milyon naman ang partially vaccinated na.
Umabot naman na sa 40,071 menor de edad na nasa edad 12 hanggang 17 anyos ang naturukan na ng COVID-19 vaccine sa Maynila.
Maliban sa 6 na District Hospitals, nagsasagawa na rin ng COVID-19 Vaccination sa 4 na mall sites sa Maynila, para sa mga menor de edad.
Ito ay sa Lucky Chinatown Mall, Robinsons Place Manila, SM City Manila at SM City San Lazaro.
Ngayong araw, magkakaroon naman ng special community vaccination site sa Smokey Mountain Barangay 128 Covered Court at Benigno Aquino Elementary School sa Baseco.
Sa kabuuan, umabot na sa mahigit 2.6 milyong doses ng bakuna ang naiturok sa Lungsod.
Madz Moratillo