Mahigit 2 milyong halaga ng Agarwood nasabat ng boc sa Pasay City
Tatlong pakete na naglalaman ng 28 kilos ng agarwood o lapnisan ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa isang warehouse sa Pasay City.
Ayon sa BOC, ang mga nasabing pakete idineklara bilang face masks, sapatos, bag, jackets, pantalon at iba pang damit.
Mula ito sa isang residente sa Davao at ipapadala sana patungong United Arab Emirates (UAE).
Pero matapos sumalang sa x-ray inspection,nakita na iba ang laman ng package kaysa idineklarang laman nito.
Nang isalang sa physical examination, dito nakita ang pira pirasong bahagi ng agarwood na tumitimbang ng 28 walong kilo at nagkakahalaga ng 2.4 milyong piso.
Ayon sa BOC ang package walang permit mula sa Department of Environment and Natural Resources.
Ayon sa DENR ang pagbebenta ng agarwood o lapnisan ay iligal dito sa bansa.
Natatagpuan lamang ito sa mga kagubatan sa Mindanao at Visayas.
Batay sa mga ulat ang agarwood ay isa sa pinakamahal na puno sa buong mundo.
Ang kilo nito maaaring maibenta sa halagang 750 libong piso.
Ginagamit ito bilang incense, pabango at medicinal products partikular na sa Middle East at ilang bahagi ng Asya.
Madz Moratillo