Mahigit 2 milyong international visitors naitala na ngayong taon ng DOT
Umaabot na sa mahigit dalawang milyong international visitors ang nagtungo sa Pilipinas sa unang tatlong buwan ng 2024.
Ayon sa Department of Tourism, kabuuang 2,010,522 bisita mula abroad ang pumasok sa Pilipinas mula Enero hanggang Abril 24.
Mas mataas na ito ng 15.11% kumpara sa international arrivals na naitala sa parehong panahon noong 2023 na higit 1.7 million.
Karamihan sa international visitors ay mga dayuhang turista o 1.89 million habang ang mahigit 116,000 ay overseas Filipinos.
Ang South Korea ang pangunahing source market ng visitor arrivals na mahigit 546,000 o 27%; sumunod ang US na nasa 315,000; ikatlo ang China na 130,000; pang-apat ang Japan na 123,000 at pang-lima ang Australia na nasa 88,000.
Nasa ika-anim at ika-sampung puwesto naman ang mga bisita mula sa Canada, Taiwan, UK, Singapore at Germany.
Kasabay nito, iniulat din ng DOT na naitala ang P157. 62 billion na tourism receipts mula Enero hanggang Marso.
Moira Encina