Mahigit 2 trilyong piso,target na tax collection ng BIR para sa taong ito
Umaasa ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na matatamo ang kanilang target tax collection sa taong ito.
Nasa 2.27 trillion pesos ang target ng BIR na makokolektang buwis ngayong 2019, mas mataas kumpara sa tax collection ng BIR noong 2018 na 1.962 trillion pesos.
Sa isinagawang press conference kanina na pinangunahan ni BIR Commissioner Caesar Dulay.
Sinabi nito na sisikapin nilang maging double digit ang kanilang tax collection.
“We expect growth of a double digit figure because the increase in goal for this year is about 14.8 percent so we should try to hit that figure as much as possible but it should not be less than a double digit figure in terms of growth rate 2.27 pesos hopefully we should go above 2 trillion this 2019″, – BIR Comm. Ceasar Dulay.
Tuloy tuloy naman ang pagdating ng mga kababayan nating magpa-file ng kanilang income tax return dito sa expo hall ng Fishermall.
Ngayong araw April 15, 2019 ang deadline o last day ng Tax filing.
Ayon kay BIR Dep Comm. Marissa Cabreros na siya ring tagapagsalita ng kawanihan, umaasa rin sila na tumaas ang kanilang koleksyon sa income tax ngayong 2019.
Pero hindi naman nito isinaisantabi ang posibilidad na bumaba ito dahil na rin sa Train Law.
Noong 2018 ay umabot sa 140 billion pesos ang nakolektang buwis mula sa income tax earners.
Ulat ni Eden Santos