Mahigit 200 kaso ng HIV-AIDS, naitala sa Bicol Region – DOH
Mahigit 200 kaso ng human immunodeficiency virus-acquired immune deficiency syndrome (HIV-AIDS) ang naitala sa bicol region mula January hanggang September ngayong taon.
Batay sa datos ng Department of Health – Epidemiology Bureau, umabot sa 229 kaso ang naitala sa naturang lugar.
Tatlong kaso itong mas mataas kumpara sa 226 kaso noong nakaraang taon.
Ayon kay DOH Acting Regional Director Doctor Ernie Vera, nakakaalarma ang pagtaas ng bilang ng HIV-Aids cases kahit na tatlong porsyento lang itong nakadagdag sa kabuuang hiv cases sa buong bansa.
Sa rehiyon, Camarines Sur pa rin ang may pinakamataas na bilang ng kaso na may 83 cases at sinundan ng albay na may 81 na kaso at sorsogon na may 26 na kaso.
Samantala, sa kabuuan, nakuha ang pinakamaraming bilang ng kaso sa National Capital Region (NCR) kasunod ang Central Luzon at Central Visayas.
Mula 1984 hanggang 2017, pumalo na sa 724 ang kabuuang bilang ng kaso sa Bicol region.