Mahigit 200 kilo ng botchang manok, nakumpiska sa Recto, Maynila
Kaugnay ng pinaigting na kampanya ng lokal na pamahalaan ng Maynila laban sa mga double dead na karne, muling nag-inspeksyon ang Manila Veterinary Inspection Board (VIB) sa mga palengke.
Sa Recto Avenue, aabot sa 266-kilos ng botchang manok ang kanilang nakumpiska.
Nakuha umano ito sa Ilaya st, sa Recto Avenue at nakatakdang ideliver sa ilang puwesto sa Divisoria.
Itinago pa ang mga botchang manok sa ilalim ng mga lamesa pero nadiskubre rin ng mga inspektor ng Manila VIB.
Wala namang naaresto ang mga taga-VIB dahil walang nadatnang nagbabantay at iniwan lang umano ito sa ilalim ng lamesa.
Wala rin umanong umamin o nagsumbong kung sino ang may-ari.
Ulat ni Madelyn Moratillo