Mahigit 200 opisyal ng mga korporasyon at mga negosyo, sinampahan ng tax evasion complaint sa DOJ ng BIR
Kabuuang 214 opisyal ng mga korporasyon at mga negosyo ang inireklamo ng Bureau of International Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ) dahil sa hindi binayarang buwis na umabot sa mahigit P 6.1 billion.
Ito ang ikalawang Nationwide filing ng BIR laban sa mga korporasyon na bigong magbayad ng tamang buwis.
Kahun-kahon ng mga dokumento ang bitbit ng mga tauhan ng BIR sa DOJ.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui, kabilang sa mga sinampahan ng reklamo ang ilang malalaking kumpanya
Ilan din sa respondents ay mula sa manufacturing, retail, importers, at construction industries.
Sinabi ni Lumagui na bago sila naghain ng reklamo sa DOJ ay na-audit at napadalhan ng abiso ang mga korporasyon.
Kabilang din sa tax liabilities aniya ng ilan sa respondents ay hindi pag-remit ng value added tax at withholding tax ng mga kliyente o kawani.
Moira Encina