Mahigit 200 pasahero stranded sa mga pantalan sa Visayas at Mindanao dahil sa sama ng panahon
Dahil sa banta ng bagyong Crising, ilang kababayan natin sa Visayas at Mindanao ang nai-stranded sa mga pantalan.
Sa ulat ng Philippine Coastguard, nasa 264 pasahero, drivers at cargo helpers ang istranded ngayon sa mga pantalan sa Central Visayas, South Western Mindanao, at Northern Mindanao.
May 10 vessel, 4 na motorbanca at 155 rolling cargoes ang stranded rin sa mga nasabing pantalan.
Mayroon namang 6 na vessel ang nag-shelter bilang pag-iingat dahil sa sama ng panahon.
Madz Moratillo
Please follow and like us: