Mahigit 200 pulitiko at iba pang personalidad kabilang sa arrest order ng DND
Umaabot na sa dalawang daang pulitiko at iba pang personalidad ang kasama sa arrest order na ipinalabas ni Defense Secretary at Martial Law Administrator Delfin Lorenzana.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines Chief of Staff at Martial Law Implementor General Eduardo Año, kasama rin sa listahan ang ilang Barangay officials.
Paliwanag ni Año, dawit sa rebelyon ang mga personalidad na nasa arrest order dahil sa pagsuporta sa grupong Maute na ngayon ay pasimuno ng kaguluhan sa Marawi City.
Tumanggi naman si Año na isapubliko ang pangalan ng mga nasa arrest order.
Please follow and like us: