Mahigit 2,000 na bagong kaso ng COVID-19 naitala ng DOH
Nakapagtala ng 2,232 na bagong kaso ng COVID- 19 ang Department of health ngayong araw .
Dahil rito, ayon sa Department of Health, umabot na sa 3,648,925 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID- 19 na naitala sa bansa.
Ang aktibong kaso naman ng COVID-19 sa bansa ngayon, nasa 65,796.
May 3,010 namang naitalang bagong gumaling, kaya naman umabot na sa 3,527,720 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID-19 dito sa bansa.
May 79 namang naiulat na nasawi, kaya umabot na sa 55,409 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.
Ayon sa DOH, lahat ng laboratoryo ay operational noong February 16, at 5 laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 repository system.