Mahigit 24 milyong pisong halaga ng Ecstasy drug, nasabat sa Pasay City
Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang higit sa 24.1 million pesos na halaga ng ecstasy tablets sa isang Central Mail Exchange Center sa Pasay City kagabi.
Nasa 14,204 na tabletas ang nakuha na ibinalot sa mga plastik at isiniksik sa isang desktop computer.
Mula France ang package na dumating noong Agosto 4.
Ang package ay dumating at lumipas ang dalawang linggo bago ito kinuha ng isang Joan Reynoso.
Ito na ang ikatlong pagkakataon na may naharang ang Bureau of Customs na tangkang pagpuslit ng mga party drugs.
Ang mga nasabat na kontrabando ay nasa kustodiya na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Mahaharap naman sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Reynoso.
Ulat ni Earlo Bringas