Mahigit 250 Thai nationals na naipit sa Myanmar crossfire ililikas
Mahigit sa 250 Thais na na-trap sa northern Myanmar ng labanan sa pagitan ng junta at ng isang alyansa ng ethnic minority groups, ang ililikas sa pamamagitan ng China ayon sa Thailand foreign ministry.
Sumiklab ang mga labanan sa magkabilang panig ng Myanmar simula pa sa huling bahagi ng Oktubre, nang maglunsad ng pag-atake laban sa militar ang Myanmar National Democratic Alliance Army (MNDAA), Ta’ang National Liberation Army (TNLA) at Arakan Army (AA).
Naging target ng pag-atake ng alyansa ang northern Shan state, sa hangganan nito sa China, kung saan ang labanan ay papalapit na sa bayan ng Laukkai, na nitong nakalipas na mga araw ay naging isang kilalang gambling, prostituion at online scams hub.
Sa isang pahayag ay sinabi ng Thailand foreign ministry na tinulungan na ng mga awtoridad sa Myanmar ang 266 na Thais na makabiyahe mula Laukkai hanggang sa Chinese border, may 10 kilometro ang layo.
Nakasaad pa sa pahayag, na mayroon ding tinulungang mga Pilipino at Singaporean nationals ngunit wala nang ibinigay na detalye ukol dito.
Ayon sa pahayag, “The ministry has arranged two charter flights from Kunming (in China) to Bangkok for the group who upon arrival will undergo screening for human trafficking and any criminal records. Non-Thai nationals will be assisted by their respective embassies once arrived in Bangkok to travel on to their home countries.”
Noong Sabado, isang grupo ng 41 Thais na naipit sa labanan sa Myanmar ang nailikas na sa land border sa pagitan ng dalawang bansa.