Mahigit 28-libong Pinoy, pinigilang makalabas ng bansa ng BI mula Enero hanggang Oktubre 2018 dahil sa kampanya kontra Human Trafficking
Mahigit 28,000 Filipino ang pinigilang makalabas ng bansa ng Bureau of Immigration (BI) sa unang sampung buwan ng taong 2018 bunsod ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa Human trafficking.
Ayon kay BI Port Operations Division Chief Grifton Medina, kabuuang 28,467 pasahero ang hindi pinayagan na makasakay sa kanilang flight mula Enero 2018 hanggang Oktubre 2018.
Mula sa nasabing bilang, isangdaan at limamput -isa sa mga ito ay menor de edad na kababaihan na patungong Saudi Arabia bilang OFW.
Nasa 23 thousand naman ang naharang sa NAIA habang ang iba ay sa mga paliparan sa Mactan, Clark, Iloilo, Kalibo, and Davao.
Hinarang ang mga biyahero ng mga tauhan ng BI matapos mabatid na hindi nakatugon ang mga iti sa mga requirements para sa mga bibiyahe abroad.
Ang mga nasabing requirements anya ay nakasaad sa Guidelines on Departure Formalities for International-Bound Passengers na inilatag ng DOJ.
Sinabi ni Medina na ipinatutupad na ng ilang taon ng BI ang mga requirements para masawata ang human trafficking at illegal migration sa mga paliparan at port of exits sa bansa.
Ulat ni Moira Encina