Mahigit 29 libong economic workers nabakunahan na kontra Covid-19
Umabot na sa mahigit 29 libong economic workers o iyong mga nasa A4 priority group ang nabakunahan na kontra COVID-19.
Ayon kay Department of Health Dir. Napoleon Arevalo, ang mahigit 6,000 rito ay fully vaccinated na o kapwa nakatanggap na ng una at pangalawang dose ng bakuna.
Bagamat ngayong linggong ito lamang pormal na nagsimula ng pagbabakuna sa mga nasa A4, matatandaang noong Mayo ay nagsagawa ng ceremonial vaccination ang gobyerno para sa ilang manggagawa kasabay ng pagdiriwang ng Labor Day.
Ang pagbabakuna sa A4 ay isinasagawa pa lamang sa NCR plus 8 dahil sa kakapusan ng suplay ng bakuna.
Sa kabuuan umabot na sa mahigit 4.6 milyong indibiwal sa bansa ang nabakunahan na kontra COVID-19.
Ang mahigit 1.6 milyon rito ay fully vaccinated na.
Sa hanay naman ng A1 o medical frontliners, may mahigit 1.4 milyon na ang nabakunahan, ang mahigit 886,000 rito fully vaccinated na.
Sa A2 naman o senior citizens, mahigit 1.6 milyon na ang nabakunahan kung saan mahigit 415,000 ang fully vaccinated.
Habang sa A3 o persons with commorbidities naman ay mahigit 1.5 milyon na ang nabakunahan kung saan mahigit 373 libo na ang fully vaccinated.
Madz Moratillo