Mahigit P3 milyon halaga ng gamit sa paggawa ng dinamita, nasabat sa Northern Samar
Aabot sa 3.5 milyong pisong halaga ng mga pampasabog at raw materials na ginagamit sa paggawa nito ang nasabat ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Coastguard at Pulisya sa San Antonio, Northern Samar.
Ayon sa Philippine Coastguard, nagsagawa ng follow-up inspection ang kanilang istasyon sa Northern Samar at San Antonio Municipal Police Station kaugnay sa nangyaring pagsabog noong nakaraang linggo sa Barangay Burabod nang madiskubre ang mga raw material na ginagamit sa paggawa ng improvised dynamites na ginagamit sa iligal na pangingisda.
Ayon sa PCG, sa unang araw ng follow up operation ay mga sangkap sa paggawa ng dinamita ang kanilang nakuha na pag aari umano ng isang residente sa nasabing barangay.
Pero sa kanikang follow up operation kahapon, mas maraming gamit sa paggawa ng dinamita pa ang kanilang natuklasan na sinasabing pag aari naman umano ng isang konsehal sa San Antonio.
Kasama sa mga nakumpiska ay 2 libong piraso ng manufactured blasting caps, 8 libong piraso ng improvised blasting caps, ilang piraso ng time fuse, homemade explosives, at iba pa.
Lahat ng nakumpiska ay nasa kustodiya ngSan Antonio police para sa safe keeping at proper disposition.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.
Madz Moratillo