Mahigit 30 milyong pisong halaga ng Smuggled goods nasabat ng BOC
Umaabot sa 33 million pesos na halaga ng mga smuggled na kargamento ang nasabat ng Bureau of Customs sa Port of Manila at Manila International Container Port.
Nasamsam ng BOC mula sa siyam na 40-footer container van ang smuggled na bigas, houseware, vape, makeup, pekeng brand ng sapatos, ukay-ukay, office chair at rim ng gulong.
Naglalaman din ang mga kargamento ng mga misdeclared na produkto gaya ng air freshener, toothpaste, shampoo, make-up, vape at bigas nang walang kaukulang permit mula sa Food and Drug Administration at mula sa National Food Authority.
Sinabi ni Customs Commissioner Isidro Lapeña, galing ang nga ito sa China at naka-consign sa IT Malingco Trading Corporation, Abundance Prime Chemicals Trading Corporation, Archerson Trading, Sto. Niño Marketing at Fastworth Marketing.
Ang smuggled na bigas na isinasailalim pa sa imbentaryo ay shipment ng Fastworth Marketing.
Isinailalim na ng Office of the District Collector ang mga kargamento sa warrant of seizure and detention.
Nakumpiska naman ng BOC sa MICP ang walong milyong piso na halaga ng mga misdeclared na kargamento na kinabibilangan ng ukay-ukay at mga executive office chair.
Idineklara ng mga consignee ang mga kargmento na transformer.
Ulat ni Moira Encina