Mahigit 300 bagong kaso ng Delta variant, naitala sa bansa
May 319 bagong kaso ng Delta variant ng COVID-19 ang naitala sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, sa bilang na ito, 297 ang local cases, 18 ang Returning Overseas Filipinos habang bineberipika naman ang 4 kung ito ba ay local o ROF.
Sa mga local cases na ito, 24 ay mula sa National Capital Region, 31 sa Caraga, 23 sa Cordillera Administrative Region, 9 sa Region 4B, 26 sa Region 4A, 21 sa Region 11, 2 sa Region 10, 18 sa Region 9, 19 sa Region 7, 22 sa Region 6, 15 a Region 5, 23 sa Region 3, 40 sa Region 2, at 24 sa Region 1.
Wala namang naitalang bagong kaso ng Delta variant sa Region 12.
Samantala, may 13 bagong kaso ng Alpha variant rin na naitala sa bansa.
Ayon kay Vergeire, lahat ng ito ay local cases.
May 9 na bagong kaso ng Beta variant din ang naitala sa bansa na lahat ay local cases din.
May 5 bagong local cases ng P3 variant rin ang naitala sa bansa.
Ayon kay Vergeire, ang mga ito ay mula sa 374 samples na sinuri ng Philippine Genome Center nitong nakaraang linggo.
Mas mababa ito kaysa sa regular na naipoproseso ng PGC.
Paliwanag pa ni Vergeire, may mga tauhan kasi ng PGC ang sumailalim rin sa quarantine.
Madz Moratillo