Mahigit 300 milyong dolyar na intel support ng Amerika sa Pilipinas para sa counter terrorism, welcome sa Malakanyang

Ikinalugod ng Malakanyang ang pangakong higit 300 milyong dolyar na intel support ng  Estados Unidos sa Pilipinas.

Sa statement na inilabas ni Presidential spokesman Salvador Panelo inihayag nitong welcome sa Malakanyang ang nasabing commitment ng US na pagpapakita rin ng patuloy na lumalakas na military alliance sa pagitan ng Pilipinas at ng Amerika.

Sinabi ni Panelo lahat ng anomang klase ng tulong ng bawat United Nation member country  gayundin ang kooperasyon upang labanan at wakasan ang terorismo na aniya’y walang kinikilalang teritoryo relihiyon at pulitika ay ikinatutuwa ng Pilipinas.

Ayon kay Panelo palalakasin pa ng pamahalaan ang mga hakbangin upang matiyak ang kaligtasan ng mamamayan.

Kasabay nito nanawagan ang Malakanyang sa lahat na maging mapagmatyag at ipabatid sa mga otoridad ang anomang kahina-hinalang kilos ng sinomang indibidwal o grupo na posibleng maghatid ng panganib sa mga inosenteng sibilyan.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *